Sunday, September 25, 2011
Ang Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat sa bawat indibidwal dahil dito sa ating mundo maraming bagay tayonf natutuklasan at pilit na tinutuklas upang mapaunlad ang ating kaalaman at mas mapalawak ang ating kaisipan. Ang pagsulat ay isang mahalagang sangkap at paraan ng pakikipagugnayan, pakikipagkomunikasyon at pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pagsulat. Maraming gamit and pagsulat katulad ng mga; pag papahayag ng saloobin, opinion, katotohanan at naglalahad ng damdamin na nais ipabatid sa mga mambabasa. Noong tayo ay bata pa lamang tinuruan tayong magsulat at habang lumilipas ang panahon mas pinapaunlad natin ang ating mga stratehiya ng pagsulat, ang konsepto, ideya at mga panuntunan nito dahil dito mas nalulutas natin ang mga pagbabago dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya. Dahil sa mga mas pinaunlad at makabagong kagamitan medyo nababwasan ang mga manunulat dahil mas tinatangkilik ng iba ang makabago at modernong paraan. Ang pagsulat ay kaagapay ng pag basa kung sa ganun napakahalaga ng mga bagay na ito dahil dito napapaunlad natin ang ating isipan at kaalaman. Sa mga nagpapakadalubhasa ang nakagawiang pagsulat ay napakahalaga dahil dito mas nabibigyang diin ang mga damdamin na nais na ipahiwatig. Alam nating may mga taong madaling matuto tungo sa pagsulat dahil mas madaling maunawaan ang mga bagay- bagay pag ito ay nakalahad kaya't wag nating baliwalain ang pagsulat dahil isa ito sa kasangkapan na humuhubog sa ating kaalaman sana ay mas paunlarin pa natin ang pagsulat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Great. Thanks nakatulong sa akin ito. <3
ReplyDeleteGaling! May sagot na ako sa assignments ko hahaha.
ReplyDeleteThank you po :) nakatulong po ito sa assignment ko :) Godbless !
ReplyDeleteThank so much po for this one💖
ReplyDeleteThank You for sharing <3
ReplyDeleteSalamat dahil may sagot na ko
ReplyDeleteThank you I already have an idea to my essat
ReplyDeleteThank you po(^^)
ReplyDeleteThank you
ReplyDeleteThank you may sagot na ako sa module ko😂
ReplyDeleteThanks po
ReplyDeleteThank you po
ReplyDelete